Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPHACTO, inanunsyo ang mga lahok na pelikula at iskedyul ng SINElik6 Bulacan...

PHACTO, inanunsyo ang mga lahok na pelikula at iskedyul ng SINElik6 Bulacan DocuFest

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang bahagi ng inaabangang selebrasyon ng Singkaban Festival 2025, inanunsiyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office (PHACTO), ang opisyal na listahan ng mga dokumentaryong pelikula at iskedyul ng pagpapalabas para sa SINElik6 Bulacan DocuFest, isang pagdiriwang ng kulturang Bulakenyo sa pamamagitan ng sining pampelikula.

Magaganap ang film festival sa Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center mula Setyembre 2-3, tampok ang iba’t ibang kuwento mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Sa Setyembre 2, 10 dokumentaryo mula sa mahuhusay na Bulakenyong mamemelikula ang ipalalabas, kabilang ang Singkaban: Ang Indak ng Makulay at Makasaysayang Kulturang Bulakenyo (8:00 NU), Indak sa Patronang Dalisay: Sayaw Panalangin, Indayog ng Paghiling (8:45 NU), Ang Paglalayag: Alon ng Debosyon (9:30 NU), Suguran: Indayog ng Kapayapaan (10:30 NU), Biyaheng Bulak: Pistang Bulak ng San Ildefonso (11:15 NU), Guinto’t Punso: Ang Halamanan Festival ng Guiguinto (1:00 NH), Agos: Pagpapanhik ng Poong Pinipintuho (1:45 NH), Kapistahan ni San Miguel de Mayumo: Ang Kalasag ng Pananampalataya (2:30 NH), Maghapong Nagpuputukan, Di Naman Nagkakamatayan: Historikong Yugto sa Pista ng Chicharon ng Santa Maria, Bulacan (3:30 NH), at Nilalang Sumbalilo ng Kasaysayan: Buntal Hat Festival ng Baliwag (4:15 NH).

Samantala, sa Setyembre 3, pitong dokumentaryong pelikula naman ang itatampok kabilang ang Mina Masa Asa sa Minasa Festival (8:00 NU), Pagoda: Gunita at Panata sa Muling Paglalayag ng Pagoda ng Krus ng Wawa (8:45 NU), Mga Anghel sa Lupa (9:30 AM), Tagpo: Salubong Festival (10:30 NU), Lakambakod: Pista ng Lumuluhod na Kalabaw ng Pulilan (11:15 NU), Pagdi Ba Malaya: Ang Pista ng Bawat Pilipino (1:00 NH), at Bawal Humipo Ang Mga Lalaki (1:45 NH).

Dahil limitado lamang ang bilang ng mga upuan, kinakailangang magparehistro ang mga nais manood gamit ang Google Forms na makikita sa Sineliksik Bulacan Facebook page.

“Para sa mga nagnanais manood, kailangan lamang mag-register sa Google Forms ng mga ipalalabas na Docufilm. Ipinapaalala na limitado lamang ang slots. Matapos mai-submit ang form, awtomatiko nang maaaring dumalo sa Premiere Showing ng naturang Docufilm. Kung hindi na tumatanggap ng response ang Google Form, nangangahulugang puno na ang slots sa nasabing palabas,” ayon sa anunsiyo.

Samantala, nakatakdang ganapin ang eksibit at seremonya ng paggagawad ng pagkilala sa Setyembre 9, ganap na alas-5:00 ng hapon sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News