Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeBusinessBankingMga lokal na tindahan, nagiging financial lifelines sa tulong ng ‘Cash Agad’...

Mga lokal na tindahan, nagiging financial lifelines sa tulong ng ‘Cash Agad’ service

MALAKI ang papel ng mga maliliit na negosyo o Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa ekonomiya ng Pilipinas. Bukod sa pagbibigay ng mga pangunahing produkto, marami sa mga MSMEs ngayon ang nagsisilbing mahalagang banking access points sa mga probinsya tulad ng Bulacan.

Sa pamamagitan ng Cash Agad service ng BDO Unibank, Inc. (BDO), ang mga MSMEs tulad ng mga mini-grocery store, water refilling station, hardware, at pharmacy ay naging accessible at secure na lugar para sa mga banking transactions. Gamit ang mga point-of-sale (POS) terminals, pwedeng mag-withdraw ng cash at mag-check ng balance sa savings account. At sa selected partner agents, pwede na ring mag magbayad ng bills at mag-deposit.

Move on na sa ‘Alkansya Mentality’

Nang i-launch ng BDO ang Cash Agad noong 2017, nasa 70% ng mga Pilipino ang wala pang formal banking relationship.

Sabi ni Jaime M. Nasol, BDO Senior Vice President at Head of Agency Banking, “Isipin mo na nakatira ka sa isang liblib na komunidad na dalawang oras ang layo mula sa pinakamalapit na bangko. Anong mangyayari? Ang pinaghirapan mong pera ay maiipon lang sa alkansya. Ito ang ‘alkansya mentality,’ at hinahadlangan nito ang maraming Pilipino na mag-open ng bank account.”

Nakipag-partner ang BDO sa mga maliliit na negosyo para maging Cash Agad partner-agents at makapagbigay ng mga importanteng banking services sa kanilang komunidad. Pwede nang mag-financial transaction ang mga tao sa kanilang mga suking tindahan nang hindi kailangang mag-aksaya ng oras sa biyahe papunta sa pinakamalapit na bangko.

“May mga lugar na dalawang oras ang layo ng mga tao sa bangko, at mahal ang pamasahe,” saad ni Nasol. “Sa halip na gumastos ng P100 sa pamasahe, kailangan lang nilang magbayad ng P30 convenience fee sa mga Cash Agad partner-agents na sari-sari stores para mag-withdraw. Tipid na sa gastos, tipid pa sa oras.”

Pagpapalakas sa mga MSMEs, pagpapalago ng ekonomiya

Para sa mga MSMEs, ang pagiging Cash Agad partner-agent ay hindi lang nagbubukas ng bagong source of income, nakakatulong din itong makahatak ng mas maraming customers sa kanilang negosyo.

“Ang mga partner-agents ay nagsisilbing representantives ng bangko sa kanilang mga komunidad,” dagdag ni Nasol. “Nagbibigay din sila inspirasyon sa mga residente na mag-ipon para sa kanilang kinabukasan. Sila, sa madaling salita, ay ang ‘BDO’ sa kanilang barangay.”

Nakikita ng BDO ang mga maliliit na negosyo na ito bilang mga pangunahing partner, na bumubuo ng isang interconnected network na nagpapalago sa financial growth sa mga rural areas.

Ikaw din, puwede kang maging Cash Agad partner-agent. With BDO, hindi lang lalaki ang negosyo mo, makakapagbigay ka pa ng convenience at security ng banking services para sa iyong community. For more information, bumisita sa pinakamalapit na BDO branch o sa www.bdo.com.ph. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News