Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPCEDO, planong gawing mas abot-kaya ang ‘Bayanihang Bulakenyo Financing Program’ para sa...

PCEDO, planong gawing mas abot-kaya ang ‘Bayanihang Bulakenyo Financing Program’ para sa mga MSME at kooperatiba

LUNGSOD NG MALOLOS — Gumawa ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng isang hakbang na higit pang magpapabuti sa buhay at negosyo ng mga Bulakenyong negosyante kung saan nilalayong gawing abot-kaya ang ‘Bayanihang Bulakenyo Financing Program’ para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga kooperatiba sa lalawigan sa pamamagitan ng isang panukalang magpapataas sa kanilang maximum loanable amount.

Inanunsiyo ito ng Puno ng PCEDO na si Abgd. Jayric L. Amil sa pagbubukas ng Tatak Singkaban Trade Fair noong Martes (Sept. 2), sa Robinsons Place Malolos.

Dagdag pa ni Amil, layon ng panukala na itaguyod at gawing mas madali at mas accessible ang Bayanihang Bulakenyo Financing Program para sa mga lokal na nagnenegosyo, lalo na sa gitna ng inflation at pagbabago sa purchasing power ng piso. Gayunpaman, binanggit din niya na ang desisyon kung gaano kalaki ang halaga ng itataas ay nakasalalay sa deliberasyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Ipinatupad ang Bayanihang Bulakenyo Financing Program for Cooperatives and MSMEs o ang Provincial Ordinance No. 94-2021 upang magbigay ng tulong pinansiyal sa anyo ng pautang o loan para mapalakas ang produksiyon at potensiyal ng mga negosyo sa Bulacan.

Sa kasalukuyan, ang maximum loanable amount para sa new borrowers ay P50,000 (enterprise) at P100,000 (cooperatives). Samantala, ang renewal borrowers naman ay maaaring mangutang ng maximum na P150,000 (enterprise) at P300,000 (cooperatives).

Inanyayahan din niya ang mga Bulakenyong namimili sa mall na bisitahin ang iba’t ibang booth na binubuo ng 50 lokal na MSMEs na nagtatampok ng mga dekalidad na produkto ng lalawigan, mula sa mga handcrafted goods hanggang sa mga natatanging lokal na pagkain.

“Suportahan po natin ang ating mga lokal na produkto na talaga naman pong maipagmamalaki natin na isang Tatak Bulakenyo,” ani Amil.

Samantala, tiniyak naman ni Gobernador Daniel R. Fernando, na kinatawan ni Crispin De Luna, sa mga lokal na negosyante na patuloy na lilikha ang Pamahalaang Panlalawigan ng mas marami pang oportunidad para suportahan at paunlarin ang kanilang mga negosyo.

“Bilang pagpapahalaga sa inyong ipinamamalas na katatagan, sisiguraduhin ko po na ang inyong lingkod ay magbubuhos ng marami pang oportunidad sa inyo upang palaguin at pagyamanin pa ang inyong mga kabuhayan,” aniya.

Gaganapin ang trade fair hanggang Setyembre 4 sa Robinsons Place Malolos at magpapatuloy ang second leg sa Setyembre 8 – 14 sa harap ng Regional Trial Court Building sa Bakuran ng Kapitolyo sa lungsod na ito, kasabay ng isang linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2025. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News