Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsKasong kriminal laban sa mga kontraktors, nirekomenda sa Ombudsman

Kasong kriminal laban sa mga kontraktors, nirekomenda sa Ombudsman

MANILA — Pormal nang inirekomenda sa Office of the Ombudsman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Commission on Audit (COA) ang pagsampa ng limang kasong kriminal laban sa mga contractors na sangkot sa mga maanumalyang flood-control projects sa Lalawigan ng Bulacan ngayong Lunes (Sept. 8).

Bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang panagutin ang mga indibidwal na sangkot sa malawakang korapsyon at sabwatan sa flood-control projects, pinangunahan ni DPWH Secretary Vince Dizon at Commission on Audit (COA) Chairperson Gamaliel Cordoba ang Joint Referral ng listahan ng mga natuklasang contractor na mayroong ghost at substandard projects batay sa isinagawang fraud audit.

Isinangguni sa Ombudsman ng DPWH at COA ang pagsampa ng kasong kriminal sa mga sumusunod na contractors: St. Timothy Construction na may dalawang proyekto, Wawao Builders na may dalawang proyekto, at SYMS Construction Trading na may isang proyekto.

“Umpisa pa lamang ito ng ating gagawing pagsasaayos ng ahensya. Sisiguraduhin nating bawat sangkot ay mananagot, at makukulong. Kasunod nito, isasangguni rin namin sa Office of the Ombudsman ang pagsampa ng kasong kriminal laban sa mga napatunayang tiwali sa DPWH,” giiit ni Secretary Dizon.

Sa huli, naniniwala pa rin si Secretary Dizon na majority ng mga nagtatrabaho sa DPWH ay matitino, masisipag at honest ngunit kailangan mawala lahat ng masasamang tao para makapag move-on.

“Hindi makakamove-on ang DPWH kung hindi natin mapupurge itong institusyon na ito at ng masasamang tao. At ‘yon ang commitment ko kay Pangulo at sa ating mga kababayan. Hindi tayo titigil, hangga’t magawa natin,” dagdag pa ni Secretary Dizon. (UnliNews Online)

Soure: DPWH

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News