CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Bulacan police ang 11 na indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga noong Sabado (Sept. 27), bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.
Sa ulat ni Lt. Col Rommel E. Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, kinilala ang nasakote na si alias Jose, 27 anyos, construction worker, at residente ng Brgy. Atlag, Malolos City.
Nahuli ang suspek matapos bentahan ng 1 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P00.00 marked money sa ikinasang buy-bust operation na isinagawa dakong alas-11:30 ng gabi (Sept. 26) sa Brgy. Atlag, Malolos City, Bulacan.
Matapos ang transaksyon, nasamsam pa sa suspek ang 9 heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu kasama ang buy-bust item na may kabuuang timbang na tinatayang 13.5 gramo at may Standard Drug Price na humigit-kumulang P91,800.00.
Samantala, sa ulat na isinumite ng mga Hepe ng Baliwag CPS, San Rafael, Santa Maria, San Miguel, San Ildefonso, Bocaue, at Angat MPS, ang magkakahiwalay na drug-bust operation na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 10 na tulak ng droga at pagkakasamsam ng 24 na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 15.5 gramo at may halagang nasa P105,400.00, sampo (10) na sachet ng hinihinalang marijuana na may tinatayang bigat na 10 gramo at may halagang nasa P1,200.00, kasama ang ginamit na buy-bust money.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Republic Act 9165 na isasampa laban sa mga suspek sa Office of the Provincial Prosecutor.
Alinsunod sa direktiba ng acting Chief PNP, Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang matagumpay na operasyon ng Bulacan PPO, sa pamumuno ni Col. Angel L. Garcillano, Provincial Director, ay nagpapatunay ng matibay na paninindigan sa patuloy na laban kontra kriminalidad. Ang mga pinalakas na hakbang na ipinatutupad ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek sa ilegal na droga, na higit pang nagpapatatag sa malawakang kampanya laban sa kriminalidad at ipinagbabawal na gamot sa buong lalawigan. (UnliNews Online)

