Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLibreng hemodialysis center sa Lungsod ng Malolos, bukas na!

Libreng hemodialysis center sa Lungsod ng Malolos, bukas na!

MALOLOS CITY — Pormal nang binuksan at pinasinayaan kamakailan ang Malolos City Hemodialysis Center na matatagpuan sa tabi ng Cathedral-Basilica Minore sa downtown sa naturang lungsod.

Ang mga Malolenyo at at ibang pasyente sa ibang bahagi ng Bulacan na sumasailalim ng dialysis ay maaaring maka-avail ng libreng session sa nabanggit na dialysis center.

Ang Malolos City Hemodialysis Center ay itinatag sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Malolos at Premier 101, ang pribadong konsesyonaryo.

Ayon kay Malolos Mayor Christian Natividad na ito ang unang PPP dialysis center sa lungsod, at ngayon ang pinakamalaking dialysis center sa Bulacan na may 40 dialysis machines. Ito ay kayang tumanggap ng hanggang 100 dialysis na pasyente kada araw o hanggang 600 kada linggo.

“Ang dalawang palapag na gusali ay ang ikalawang PPP project na pinasok ng pamahalaang lungsod mula nang itatag ang Malolos Terminal Hub kasama ang Xentro Mall noong 2015,” ani alkalde.

Dagdag pa ni Natividad, na ang Hemodialysis Center ay inaalok ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos hindi lamang para sa mga Maloleño kundi para sa sinumang nangangailangan.

“Walang hidden charges at libre ang lahat, kasama na ang mga gamot na kailangan sa panggagamot,” saad pa nito.

Bukod sa libreng dialysis sessions na ginagarantiya ng PhilHealth, magbibigay din ang private concessionaire ng isang sako ng bigas sa bawat pasyente pagkatapos ng kanilang session.

Tiniyak naman ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office III-Branch B Acting Branch Manager Arlan Granali na ang bawat pasyente ng dialysis sa pasilidad ay makakapag-avail ng hanggang P6,350 kada session.

Sinabi niya na ito ay bahagi ng pinalawak na saklaw ng PhilHealth na ipinag-uutos ng Republic Act 11223, o kilala bilang Universal Health Care Act of 2019.

Sa pamamagitan ng PhilHealth Circular 2024-0023, ang financial package para sa chronic kidney disease Stage 5 patients ay nagdadala na ngayon ng halos P1 milyon.

Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Philip Lim, CEO ng Premier101 Healthcare Management, na ang sentro ay ang una sa Lungsod ng Malolos at isa sa pinakamalaki sa lalawigan.

Dagdag pa niya, ang treatment center ay mayroong 36 na hemodialysis stations na kayang tumanggap ng 100 pasyente kada araw, o hanggang 2,800 treatment kada buwan at may 24 kawani.

Present sa opening ceremony ang mga department head ng Malolos City Government sa pangunguna ni City Administrator Joel Eugenio, Councilors JV Vitug, Geli Bulaong, Troi Aldaba III, Poncho Arcega, Miel Agustin, Len Pineda, ABC President Belty Bartolome, PhilHealth Regional Director Arlan Granali, at Rev. Msgr. Pablo S. Legaspi Jr. (UnliNews Online)

Photos: Malolos City Information Office

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News