Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan PNP, nagtagumpay sa mapayapa at ligtas na Undas 2025

Bulacan PNP, nagtagumpay sa mapayapa at ligtas na Undas 2025

CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang maayos, mapayapa, at ligtas na paggunita ng Undas 2025 ang naitala sa buong lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng masinsinang pagpapatupad ng “Ligtas Undas 2025” Security and Safety Plan ng Bulacan Police Provincial Office.

Sa pangunguna ni P/Col. Angel. L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan PPO, matagumpay na naipatupad ang komprehensibong plano sa seguridad na nagresulta sa zero major incident sa lahat ng sementeryo, terminal, at pangunahing lansangan sa probinsya.

Naka-deploy ang mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga sementeryo, bus terminal, at iba pang matataong lugar. Ang mga ito ay binantayan ng mga uniformed personnel katuwang ang barangay tanod, BPATs, rescue volunteers, at iba pang force multipliers upang tiyaking ligtas at mapayapa ang paggunita ng Undas ng mga Bulakenyo.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng mahigpit na police visibility at mobile patrol operations ang mga istasyon ng pulisya sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan, gayundin ang traffic management at crowd control measures upang mapanatiling maayos ang daloy ng mga sasakyan at tao.

Ayon kay P/Col. Garcillano, ang tagumpay ng “Ligtas Undas 2025” ay bunga ng kooperasyon ng publiko at masinsinang koordinasyon ng kapulisan, mga lokal na pamahalaan, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Ang maayos at mapayapang paggunita ng Undas sa Bulacan ay patunay na epektibo ang ating mga ipinatupad na hakbangin at naipakita ng ating mga kababayan ang disiplina at pakikiisa sa mga panuntunan ng seguridad. Sa tulong ng ating mga kapartner sa pamahalaan at komunidad, napanatili natin ang kaligtasan at kaayusan ng lahat,” pahayag ni P/Col. Garcillano.

Dagdag pa niya, patuloy ang panawagan ng Bulacan Police sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, iwasan ang anumang uri ng ilegal na gawain, at manatiling mapagmatyag para sa kapayapaan at seguridad ng bawat isa.

Ang Bulacan PPO ay nananatiling nakahanda sa pagpapatupad ng mga programa at operasyon alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police tungo sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas – Serbisyong Mabilis, Tapatat, at Nararamdaman. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News