LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sa ikatlong pagkakataon, muling kinilala at pinarangalan ang Bayan ng Pandi ng prestihiyosong Gawad KALASAG Award kamakailan.
Ang nabanggit na bayan ay nakamit ang pagkilala at parangal mula pa nung taong 2023 hanggang 2025.
Ang Gawad KALASAG ay isang pambansang pagkilala mula sa LDRRMCOs para sa mga LGU, institusyon, at volunteers na nangunguna sa disaster preparedness, response, resilience, at humanitarian service at muli, kabilang po ang Pandi sa mga nangunguna rito.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Rico Roque sa masisipag at dedikado nating MDRRMO Team sa pangunguna ni Ram Austria, sa ating maaasahang volunteers, at sa lahat ng ka-Pandieño na patuloy na nagbibigay ng suporta at tiwala.
“Ang tagumpay na ito ay patunay na buhay ang diwa ng bayanihan, malasakitan, at pagkakaisa sa ating pamayanan,” saad ng alkalde.
“Dahil sa Pandi, una ang kaligtasan, proteksyon, at kahandaan ng bawat isang Pandieño,” dagdag pa ni Mayor Roque. ( Unlinews Online)

