CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Sa patuloy na pagtugon sa direktiba ng Acting Chief PNP, Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., matagumpay na naaresto ng Tracker Team ng 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), katuwang ang Pandi Municipal Police Station at 301st Maneuver Company, RMFB 3, ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Pandi sa ikinasang operasyon sa Brgy. Cacarong Matanda, Pandi, nung Lunes ng hapon ( Dec. 8).
Ayon sa ulat ni Major Norheda G. Usman, Acting Force Commander ng 1st PMFC, kinilala ang naarestong akusado na si alias Allan, 46 anyos at residente ng Brgy. Cacarong Matanda, Pandi, Bulacan.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa tatlong (3) bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Art. 335 ng RPC na may kaugnayan sa Sec. 5(b) ng RA 7610, sa ilalim ng Criminal Case Numbers 6660–6662-M-2025, na may inirekomendang piyansang Php 180,000.00 bawat bilang.
Ang warrant ay inilabas ni Hon. Ma. Cristina G. Laderas, Presiding Judge ng RTC Branch 85, Malolos City, noong Nobyembre 17, 2025.
Naipaalam sa akusado ang kanyang karapatang konstitusyonal alinsunod sa RA 7438, at siya ngayon ay nasa kustodiya ng 1st PMFC para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Ayon kay Col. Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Hindi titigil ang Bulacan PNP sa pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas, anuman ang kanilang pagtatago. Ang pag-aresto sa mga Most Wanted Persons ay patunay ng aming determinasyon na protektahan ang mga pinaka-mahihinang sektor ng lipunan at tiyaking ang hustisya ay maipapatupad. Patuloy naming palalakasin ang operasyon upang mapanatiling ligtas at mapayapa ang bawat komunidad sa Bulacan.” ( UnliNews Online)

