CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Alinsunod sa direktiba ng Acting Chief PNP, Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., matagumpay na naaresto ng San Ildefonso Municipal Police Station ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation laban sa loose firearms sa Brgy. Maasim, San Ildefonso, Bulacan, noong Martes (Dec. 16) bandang alas-12:30 ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ni Lt. Col. Gilmore A.Wasin, acting chief of Police ng San Ildefonso MPS, kinilala ang suspek na si alias “Atan,” 43 anyos residente ng Purok 6, Brgy. Bagong Barrio, San Ildefonso, Bulacan.
Nasamsam sa operasyon ang isang caliber .38 revolver na walang serial number, tatlong piraso ng caliber .38 live ammunition, at isang itim na leather holster. Nakumpiska rin ang isang tunay na P1,000.00 buy-bust money at apat piraso ng pekeng boodle money. Isinagawa ang on-site marking at inventory ng mga ebidensya sa harap ng mga halal na opisyal ng barangay bilang mga saksi. Ang suspek ay ipinaalam sa kanya ang mga paratang at ang kanyang mga Constitutional Rights.
Ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya ay dinala sa San Ildefonso MPS para sa wastong disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition). Ang lahat ng ebidensya ay isusumite sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa ballistic at laboratory examinations.
Ayon kay Col. Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Patuloy ang agresibong kampanya ng Bulacan Police laban sa mga iligal na baril na nagdudulot ng banta sa kapayapaan at seguridad ng komunidad. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na walang puwang sa lalawigan ang sinumang lalabag sa batas.” ( UnliNews Online)

