ARESTADO kamakailan ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 ang isang 25- anyos na suspek sa paglabag ng tatlong counts sa RA 7610 sa Quezon City.
Ayon kay CIDG Regional Field Unit 3 (RFU3) chief Col. Grant Gollod, naaresto ang suspek na si alyas Fortunato, 25, sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong counts ng paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 121 sa Meycauayan City, Bulacan ang arrest warrant para kay alyas Fortunato.
Dinala ang suspek sa CIDG Bulacan PFU para sa standard booking procedures at dokumentasyon. (Unlinews Online)
Source: Bernard Galang

