CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, dalawang wanted person ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office sa Balagtas at San Jose del Monte City noong Wednesday (Dec. 31, 2025).
Base sa ulat ng hepe ng Balagtas MPS na si P/Maj. Mark Anthony L. San Pedro, bandang alas-10:20 ng umaga, Disyembre 31, 2025, isinilbi ng Balagtas Tracker Team ang Alias Warrant of Arrest laban sa 59 taong gulang, para sa kasong Illegal Recruitment (Large Scale) sa ilalim ng Criminal Case No. 4369-M-2013 na inisyu ng Regional Trial Court Branch 21, Malolos City, Bulacan, na may no bail recommended.
Samantala, Ayon kay P/Lt. Reyson M. Bagain, hepe ng San Jose del Monte City Police Station, bandang alas-4:20 ng hapon ng kaparehong petsa, naisilbi ng Warrant Section ng SJDM CPS ang Warrant of Arrest laban sa isang 41 taong gulang, para sa kasong Frustrated Homicide na may Criminal Case No. 5474-M-2025, na inisyu ng Regional Trial Court Branch 120, CSJDM, Bulacan, na may inirekomendang piyansa na P72,000.00.
Ang mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kani-kanilang mga kasong may umiiral na warrant of arrest, alinsunod sa umiiral na batas.
Ayon kay Provincial Director P/Col. Angel L. Garcillano, sa patnubay ni P/Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones, Regional Director ng PRO3, patuloy ang Bulacan PPO sa mahigpit na pagpapatupad ng batas upang masiguro ang kaligtasan, katarungan, at hustisya para sa mga mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

