LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Inatasan ni Department of Public Works and Highways (DOWH) Secretary Vince Dizon sa mga bagong opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office ang agarang repair at construction ng mga sirang dike.
Layon ng naturang kautusan ay upang maibsan ang pagbaha sa bayan ng Calumpit at iba pang bayan at lungsod na nasa mabababang lugar sa Bulacan bilang paghahanda sa pagdating ng tag-ulan.
Sa kanyang nasabing meeting kamakailan binigyang-diin ng Kalihim ang utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal na siguruhing naipatutupad ng maayos ang mga proyekto base sa masterplan at tiyaking wala na muling makakalusot na “ghost” at substandard projects. ( UnliNews Online)

