CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Bulacan police ang 10 katao na sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga noong Lunes (Jan. 19), bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Melvin M
Florida, Meycauayan City, Chief of Police, arestado ng mga operatiba ang 2 katao sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation noong Enero 20, 2026, dakong 3:40 ng madaling araw sa Sampalukan St., Brgy. Pantoc, Meycauayan City, Bulacan, kung saan matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng isang P500 bill na ginamit bilang marked money.
Nasamsam mula sa operasyon ang 6 pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 13 gramo na may tinatayang halaga na P88,400.00, gayundin ang isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, ayon sa ulat ni P/Lt. Col. SJDM City chief of police, 3 indibidwal, kabilang ang isang umano’y miyembro ng Saturnino Crime Group, ang naaresto habang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P68,000.00 ang nasamsam sa magkasanib na anti-illegal drug operation sa San Jose del Monte City, Bulacan, noong Enero 19, 2025, dakong 5:00 ng hapon.
Ayon sa ulat ng City Drug Enforcement Unit ng SJDM City Police Station, katuwang ang PDEA Bulacan, isinagawa ang buy-bust operation sa Towerville, Brgy. Sto. Cristo, CSJDM, matapos makabili ang poseur buyer ng 1 hinihinalang shabu kapalit ang marked money, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga drug suspek.
Kasabay nito, batay sa ulat ng mga Hepe ng Pulisya ng Calumpit, Marilao, San Ildefonso, at Hagonoy MPS, magkahiwalay na drug-bust operations na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units na nagresulta sa pagkakaaresto ng 5 drug pushers at pagkakasamsam ng 10 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 7.55 gramo at may halagang P51,340.00, kasama ang buy-bust money.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa kanila. (UnliNews Online)

