Sunday, February 1, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsHWPL ipinagdiwang ang ika-12 anibersaryo ng peace day na may peace walk...

HWPL ipinagdiwang ang ika-12 anibersaryo ng peace day na may peace walk sa Kawit at interfaith youth dialogue sa Pasay

GINUNITA ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang pandaigdigan organisasyong pangkapayapaan, ang ika-12 anibersaryo ng Peace Day sa pamamagitan ng isang serye ng mga aktibidad pangkapayapaan sa loob ng dalawang araw sa Kawit, Cavite at Pasay City kamakailan.

Dito pinagtuunan ng pansin ang papel ng edukasyong pangkapayapaan, pamumuno ng kabataan, at interfaith dialogue para sa kapayapaan. Kasabay ng mga kaganapang ito ang pagdaraos ng UN International Day of Education na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon bilang pundasyon ng tuloy-tuloy na kapayapaan.

Nitong Enero 23, may 6,000 mag-aaral, guro, at mga peace advocates mula sa Kawit, Cavite ang sumali sa Peace Walk na nagsimula sa Water Camp patungong Aguinaldo Elementary School at sa Aguinaldo Freedom Park kung saan idinaos ang isang programa. Inalisan ng tabing ang kauna-unahang HWPL Peace Monument sa Cavite sa bagong district office ng Aguinaldo Elementary School bilang simbolo ng iisang adhikain ng mga paaralan, lokal na pamahalaan at ng mga komunidad na palaganapin ang kapayapaan at mapayapang pakikipamuhay.

Binigyang-diin ni Dr. Antonio Faustino, Assistant Schools Division Superintendent of the Department of Education – Schools Division Office ng lalawigan ng Cavite ang kahalagahan ng kaganapan sa Kawit, isang makasaysayang bayan kung saan unang itinaas ang watawat ng Pilipinas mahigit isang siglo na ang nakararaan.

“Ngayon may mga bagong bayani na tayo na dumating dito sa Cavite: mga bayani ng rebolusyong pangkapayapaan,” aniya.

Nitong Enero 24, nagpatuloy ang selebrasyon sa GSIS Theater sa Pasay City, sa pakikipagtulungan ng National Commission on Muslim Filipinos–National Capital Region (NCMF-NCR). Sa temang “Youth Rise Up for Peace and Unity through Interfaith Dialogue!”, nagsama-sama ang 500 mga lider kabataan, kinatawan ng interfaith , mga grupong sibiko at mga katuwang sa pamahalaan.

Pinakatampok sa programa ang interfaith panel discussion ng mga kabataan na tumalakay sa karaniwang maling akala sa Katolisismo, Islam, at mga non-denominational na Kristyano. Tinalakay ng mga panelist ang katotohanan sa likod ng mga maling akala at nagpanukala sila ng mga solusyon upang itama ang pagkakamali, kung saan binigyang-diin ang dayalogo, edukasyon, at may respetong pakikipag-ugnayan.

Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na matatamo lamang ang walang hanggang kapayapaan kung irerespeto ang pagkakaiba-iba at kung magiging daan ang pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon upang mag-unawaan sa halip na mag-alitan.

Ayon kay Rey Angelo Reyes, SK Federation President ng Las Piñas City, na “napakamakabuluhan at nagbibigay ng malalim na kaunawaan” ang programa. Mas naging makahulugan din, aniya, ito dahil sa partisipasyon ng mga kabataang tagapagsalita na kagaya niya na nakapagbahagi ng kanilang karanasan at pananaw sa relihiyon at sa kabataang naroroon, na nagbigay-daan upang magbukas ng komunikasyon at pag-unawa sa mga may magkakaibang paniniwala.

Isa pang mahalagang bahagi ng programa ang paggawad ng Certificate of Completion sa 36 facilitators, 601 Youth Empowerment Peace Class (YEPC) completers, at 88 Religious Peace Academy (RPA) completers mula sa anim na paaralan at youth organizations. Sa pamamagitan ng YEPC, naturuan ang mga kabataang lider ng mga kaalaman at kasanayan upang maging mga aktibong peacemakers, samantalang pinapalaganap naman ng RPA ang pagkakaunawaan ng iba’t ibang relihiyon sa pamamagitan ng dayalogo ng mga religious leader at kabataan.

Ipinagdiriwang taon-taon ang HWPL Peace Day simula ng Mindanao Peace Agreement noong 2014 na pinagitnaan ni HWPL Chairman Lee Man-hee, na siyang naglatag ng pundasyon para sa mga inisyatibang pangkapayapaan sa buong bansa at siya ring namuno sa opisyal na pagdedeklara ng January 24 bilang Peace Day sa sa Buluan, Maguindanao, MILF Camp Darapanan, at BARMM.

Pinalakas ng dalawang aktibidad na ito ang commitment para sa mga programang para sa kabataan kabilang ang YEPC, Youth Peace Camps, at interfaith dialogue na bubuhay sa dedikasyon ng mga dumalo na palaganapin ang kapayapaan, pagkakaisa, at edukasyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News