LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bilang mandato at responsibilidad, ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay iginawad ang tulong pinansiyal o suporta sa mga mag-aaral nito kamakailan.
Ang taunang pagbibigay ng tulong suporta sa mga mag-aaral ng lungsod ay pinangunahan ng City Administrator’s Office katuwang ang City Treasury’s Office, mula sa pamumuno ni Mayor Christian Natividad at Vice Mayor Bebong Gatchalian. Ito ay bahagi ng Scholarship Program ng naturang Lungsod.
Sinimulan ang pagbibigay ng tulong pinansiyal mula noong ika-26 ng Enero hanggang ika-27 at isinagawa sa Malolos Sports and Convention Center, City Government of Malolos Compound.
Ang Scholarship Program na ito ay isa lamang sa mga hakbang at proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, na isinusulong para maibigay ang serbisyo at makatulong sa paglinang ng mga kabataang magiging mahalagang bahagi sa paghubog ng ating dakilang Lungsod.
Mga pag-asang ngayon pa lamang ay inaasahan na ng bayan at patuloy pang aasahan sa mga susunod na panahon.
Ito ang esensya kung bakit mahalaga ang mga ganitong uri ng programa. Para maipakita at maiparamdam na ang bawat araw ay araw ng mga Maloleño. (UnliNews Online)
Source: Malolos City

