LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Isang anti-drugs police officer na ilang araw nang naiulat na nawawala ang natagpuang patay na may tama ng bala ng baril sa leeg sa loob ng under-construction septic tank sa Green Street, Felicisima Village, Barangay Mojon, sa naturang lungsod noong Sabado ng umaga (Jan 31).
Kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Renato Casauay Jr., 46, operatiba ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).
Si Casauay, residente ng Santa Barbara, Baliuag, ay iniulat na nawawala ng kanyang asawa noong Enero 25.
Sa inisyal na imbestigasyon, noong Enero 24, si Casauay, kasama si PCpl. Vivencio Abalos ng Malolos City Police ay nagtungo sa bahay ng isang “Sampol” para kumuha ng bote ng alak, regalo sa kaarawan ng biktima.
Naabutan ng 2 pulis sa loob ng bahay ang pangunahing suspek at gunman na si Julian Salamat., isa rin itong kilalang police asset mula sa Barangay Sto. Niño, Paombong.
Sa pag-uusap, si J.S. napaulat na napikon ito sa biro ni Casauay na humantong sa pamamaril. Pagkatapos ay itinapon ang katawan ng biktima sa septic
Noong Enero 30, si Cpl. Abalos, ay tila nakunsensya kaya umamin sa kanyang nalalaman sa krimen
Sa pamamagitan ng bitbit na search warrant at matibay na ebidensya, narekober ng Malolos police ang naaagnas na katawan ni Casauay mula sa septic tank.
Itinuring na pangunahing suspek si Salamat at ngayon ay paksa ng isang police manhunt.
Samantala, base sa police report ay arestado na sina Abalos at “Sampol”.
Ang may-ari ng ari-arian ay tinatrato rin bilang kasabwat, ayon sa pulisya ng Malolos.
Habang isinusulat ang balitang ito, pinaghahanap na ng mga operatiba ang may-ari ng ari-arian upang matukoy ang pagkakasangkot nito sa krimen.
(Photo credit to the real owner)

