Friday, February 13, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsEdukasyon sa Malolos, handa sa nagbabagong panahon at armado ng kaalamang teknikal

Edukasyon sa Malolos, handa sa nagbabagong panahon at armado ng kaalamang teknikal

SA ngalan ng dekalidad na edukasyon, isinagawa ng City of Malolos Schools Division Office (SDO) ang Capacity Building noong ika-10 hanggang ika-13 ng February sa Paradise Resort and Hotel, McArthur Highway, Brgy. Dakila, City of Malolos, Bulacan.

Sa pamamagitan ng Learning Resource Management and Development System (LRMDS) sa pangunguna ni G. Paul Anthony B. Mendoza – Education Program Supervisor for Learning Resource Management Section at bilang Over-all Program Manager, inilunsad ang Training at Skills development program patungkol sa paglikha ng mga Video Learning Materials.

Inalalayan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang programa sa pamamagitan ng Malolos City Information Division. Nagbigay ng training sa multimedia production si G. Regemrei Bernardo – City of Malolos Information Division Head, sa 50 guro mula sa sampung distrito, 10 na Public Schools District Supervisor (PSDS), at 10 na EduCreators ng SDO – Malolos.

Ang paglikha ng training na ito ay isang hakbang ng SDO – Malolos na naglalayong makatulong upang makapaghahatid ng mas epektibong patuturo sa mga mag-aaral ng Lungsod ng Malolos.

Sentro sa naturang Capacity Training ang pagpapahusay ng kaalamang teknikal para maisakatuparan ang mga produksyon na nais magawa ng SDO – Malolos. Tumutok ang pagsasanay sa Video Production Basics, Demo Shoots, Voice Recording, Post-Production and Accessibility, Video Editing (software tutorials and practice) at Podcast Editing.

Lumabas ang pagiging malikhain ng mga guro nang simulan ang palihan at aktwal na paglikha ng mga video at pag-edit sa mga ito. Makikita ang kanilang kagustuhang matuto para sa mahusay at mabisa na pagtuturo.

Ang pagsasagawa ng mga ganitong uri ng aktibidad ay isang mahalagang hakbang hindi lang para sa pagkakaroon ng bagong kaalaman para sa mga guro, ito ay isang tugon sa nagbabagong panahon at dihital na mundo.

Patunay na ang edukasyon ay mahalaga sa Lungsod ng Malolos at ang kaalaman ay hindi malilimitahan ng panahon. (Unlinews Online)

Story and Photos: Malolos CIO

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News