CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang 51-anyos dahil sa pag-iingat ng mga bala at baril na hindi lisensiyado sa Barangay Abulalas, Hagonoy noong Sabado ng madaling araw (Feb. 14).
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Leonard M. Lim, Hagonoy chief of police, kinilalala ang suspek na isang driver at residente ng Barangay Abulalas, Hagonoy.
Sa isinagawang operasyon ng intelligence operatives ng Hagonoy MPS, nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat at kontrol ang isang caliber .38 revolver na may nakaukit na “38 Bankers Special (Colt)” at serial number 371795, anim (6) na piraso ng live ammunition, at ang halagang P1,500 na ginamit bilang buy-bust marked money.
Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Hagonoy MPS para sa wastong dokumentasyon at disposisyon. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa RA 10591.
Ayon kay P/Col. Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa illegal na pag-iingat ng baril upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

