Sunday, February 15, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsJewelry store sa Malolos, 'nilimas' ang pera at mga alahas sa vault

Jewelry store sa Malolos, ‘nilimas’ ang pera at mga alahas sa vault

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Aabot umano sa humigit kumulang P40 milyon ang halagang nakulimbat ng dalawang lalaking suspek makaraan nilang looban ang isang jewelry store sa loob ng isang supermarket kamakailan dito sa nabanggit na lungsod.

Ang mga suspek na pawang nakabalot ang mukha ay malinaw na nakuhanan ng closed-circuit television (CCTV) habang winawasak ang estante gamit ang bitbit na bareta.

Base sa imbestigasyon, ginawang entry at exit point ng mga magnanakaw ang isang butas sa gilid ng pader malapit sa air conditioning unit.

Nang makapasok sa loob ng establisimento, ibinaling ng isang suspek ang camera pero hindi alam na may isa pang camera na nakatutok sa kanilang galaw.

Ayon kay CJ Flores, may-ari ng tindahan, agad siyang naalarma nang matanggap niya sa kanyang cell phone ang alarma mula sa CCTV ng jewelry shop kaya mabilis siyang nagtungo sa lugar kasama ang mga pulis.

Natagpuan ni Flores ang vault ng nasabing jewelry store na winasak at nakalatag sa grocery area at wala na itong lamang mga alahas at pera.

Ayon pa sa may-ari ng tindahan ng alahas ay hindi agad sila nakapasok sa llob ng supermarket dahil wala umanong susi ang guwardiya kaya hinintay pa nila ang manager.

“Wala na aniya ang mga suspek nang nakapasok sila sa tindahan,” ani Flores.

Base naman sa imbestigasyon ng Malolos Police, tatlo ummano ang suspek sa naganap na nakawan – dalawa ang pumasok at isang nakabantay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at mga follow-up operation upang matukoy at maaresto ang mga may gawa ng krimen.

Source: ABS-CBN news

Photo: File photo (CTTO)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News