Wednesday, February 18, 2026
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTNagagamit ba ang 20% Development Fund sa inyong barangay?

Nagagamit ba ang 20% Development Fund sa inyong barangay?

NAKASAAD sa Seksyon 287 ng Local Government Code of 1991, na dapat maglaan ng 20% sa badyet ang bawat barangay mula sa kanilang taunan National Tax Allotment (NTA) Ito ay inilalaan para sa mga proyektong pampaunlad o development projects sa barangay.

Ang bawat barangay ay tumatapyas ng dalawampung porsiyento sa kanilang taunang National Tax Allotment (NTA) na ilalaan sa mga proyektong pampaunlad o development projects. Kung anong pagawain ang nakasaad sa kanilang inaprubahang barangay development plans ay doon pipili ng pagawain si kapitan at si kagawad na tagapangulo ng public works committee.

Halimbawa na ang taunang NTA ng isang barangay sampung milyon, ang dalawang milyon ay ilalaan sa development fund para gamitin sa mga pagawaing pampaunlad sa barangay. Kung tutuusin, maliit ang dalawang milyong piso para sa development projects kaya kailangan ang tulong ng LGU sa iskema ng counter parting.

Halimbawa may road rehabilitation project ang barangay na nagkakahalaga ng isang milyon, ang pamahalaang bayan o city government ay tatapatan ang isang milyon ng barangay kaya magiging dalawang milyon ang laang pondo sa pagawain at kapag naisaayos na ang program of works ay isasagawa na ang bidding. Kailangan may lalahok na mga bidder tatlo pataas at kung sino ang karapat-dapat na bidder ay sa kanya igagawad ang proyekto.

Pero nangyayari din ang hokus pokus sa government projects. Halimbawa na kinunsinti ng bids and awards committee (BAC) ang pakana ng kontratista na gagawa ng dummy contractors na kunwari ay kalaban niya sa bidding pero sa bandang huli ay siya pa rin ang nanalong bidder. Wika nga, lutong makaw ang proseso ng bidding.

Kaya iyang mga pagawain sa ilalim ng twenty percent development fund ay puwedeng masaputan ng anomalya kapag ang BAC ay kinunsinti ang lutong makaw na bidding. Hindi naman lahat ng barangay sa Pilipinas ay may malalaking NTA kaya dapat na inilalagay sa mga proyekto marami ang makininabang at hindi rin dapat ikinakapit sa pulitika ang pagawaing barangay.

Pakakantadaan walang political party sa barangay dahil ito ay non-partisan, alinsunod sa Omnibus Election Code, kaya hindi dapat na kinukulayan ng pulitika ang barangay lalo na kung panahon ng eleksyon. Walang NUP, wala ring LAKAS at walang iba pang political parties sa barangay. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News