Wednesday, February 18, 2026
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTRole ng barangay kagawad bilang elected decision maker

Role ng barangay kagawad bilang elected decision maker

DAHIL papalapit na ang Barangay and Sanggunian Kabataan Elections (BSKE) may mga aspirante na nagtatanong may papel daw ba ginagampanan ang mga barangay kagawad sa taunang pagbabadyet ng barangay. Maganda naman at napapanahon ang kanilang tanong kaya sa abot ng aking makakaya ay sasagutin sa pamamagitan ng artikulo ang aking sagot bilang manunulat at dating kalihim sa aming barangay.

Oo naman. Mahalaga ang papel ng mga barangay kagawad bilang legislative body. Dito muna tayo sa paksa na pagbabadyet ng barangay. Sa kaalaman ng nakararami, ang mga kinauukulan ay gumagawa ng taunang plano para sa budget ng barangay kung papaano gagamitin o gagastusin ang pondo para sa mga proyekto at serbisyo sa barangay.

Kailangang umaayon sa Barangay Annual Investment Program (AIP)  ang taunang plano ng mga proyekto, programa, at aktibidad (PPAs) na popondohan ng barangay sa loob ng isang taon. Ang malaking bahagi ng pondo ay inilalaan sa personal services na umaabot sa 55 porsiyento ng budget para sa sweldo, honoraria, at benepisyo ng mga opisyal at empleyado ng barangay (Kapitan, mga kagawad, tesorero, kalihim, clerk, LLN, ML, BHW, tanod at iba pang volunteers).

Kasama na diyan ang Maintenance & Other Operating Expenses (MOOE) ang nalalabing bahagi naman makaraang ibawas ang serbisyo at ang statutory funds ay mga bayarin tulad ng: kuryente, tubig, gamit sa opisina, training, at iba pang operational needs. Ang sampung bahagi (10%) naman sa badyet ay laan sa mga gawain at proyekto ng Sanggunian Kabataan (SK); 20% sa development program, 5% para sa gender equality at karapatan ng kababaihan (GAD) 5% para sa Disaster Risk Reduction & Management Fund (BDRRMF)
1% para sa paghahanda at pagtugon sa sakuna (BCPC) at 1% para naman sa senior citizen at PWDs.

Ano na ngayon ang role ng mga kagawad ng barangay sa usapin ng pagbabadyet?
Kapag nagawa na ang proposed budget ay ihaharap ito ng barangay treasurer sa session ng Sangguniang barangay at sa puntong ito ay puwedeng magtanong ang mga kagawad bilang legislative body para himayin ang mga detalye ng alokasyon. Puwede nilang itanong kung bakit ganito, bakit ganyan ang inilaang pondo halimbawa sa isang proyekto at bakit maliit ang inilaang pondo sa ibang programa.

Ang badyet kasi ng barangay ay collective decision at hindi ito desisyon ng isa, dalawa o tatlong tao lamang kaya mahalaga na nabibigyan ng priority ang mga kagawad bilang elected decision maker. Sana po ay nakapagbigay ng munting kaalaman ang inyong maliit na lingkod. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News