CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Muling nagtagumpay ang Bulacan Police Provincial Office sa pinaigting na kampanya laban sa mga most wanted na indibidwal makaraang maaresto ang isang Most Wanted Person ng Malolos City (City Level) kamakailan bandang alas-9:30 ng gabi sa Brgy. San Juan, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Base sa ulat ni, kinilala ang naarestong akusado na isang 23 taong gulang na delivery rider at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Gabriel, City of Malolos, Bulacan.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng Tracker Team ng Malolos CPS sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code.
Ang nasabing warrant ay inilabas noong Pebrero 6, 2026 ni Hon. Judge Caroline Soriano Roxas, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 84, City of Malolos, Bulacan, na walang piyansang inirekominda.
Naaresto ang akusado matapos ang masusing intelligence monitoring at koordinasyon ng mga operatiba. Ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at agad na dinala sa Malolos City Police Station para sa wastong disposisyon. Gumamit din ng Body-Worn Camera (BWC) sa isinagawang operasyon upang matiyak ang transparency at pagsunod sa tamang proseso. (UnliNews Online)

