Friday, February 27, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, pinagtibay ang Incident Command System

Bulacan, pinagtibay ang Incident Command System

LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal nang pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Incident Command System (ICS) sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 132-2025, matapos itong aprubahan ng mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni PDRRMC Chairman at Gobernador Daniel R. Fernando sa 1st quarter joint meeting kasama ang mga city at municipal DRRM officers pamamagitan ng Zoom teleconference.

Ipinag-utos ni Fernando sa mga DRRM officers na tiyakin ang mahigpit na pagsunod at buong implementasyon ng ICS sa kani-kanilang nasasakupan, bilang pagpapatibay sa kahandaan ng lalawigan sa sakuna at pagtugon sa emergency alinsunod sa Republic Act No. 10121, o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Ayon sa ordinansa, itinatatag ng ICS ang unified structure para sa command, control, at coordination sa panahon ng emergency, na tinitiyak na ang mga response operation ay pinamumunuan ng itinalagang Incident Commander at sinusuportahan ng mga trained personnel sa ilalim ng malinaw na chain of command upang mapabilis ang aksyon at maiwasan ang kalituhan.

Kinakailangan din na lahat ng tanggapan ng panlalawigan, component cities at bayan, mga nasyunal na ahensya, at mga katuwang na organisasyon na kabilang sa disaster response ay kumikilos batay sa ICS framework upang matiyak ang koordinado, maagap, at epektibong pagtugon sa buong lalawigan.

Ipinaliwanag din ni Manuel M. Lukban, Jr., pinuno ng PDRRMO sa konseho na naglalaman ang ordinansa ng mga parusa para sa hindi pagsunod, kabilang ang hindi pagsunod sa mga legal na kautusan, pagpapabaya sa itinalagang command structure, at mga aksyon na humahadlang sa coordinated response efforts, nang hindi nilalabag ang umiiral na administratibo, civil, o kriminal na pananagutan.

Binigyang-diin din ni Fernando na mahalaga ang buo at mahigpit na pagsunod ng mga local government unit (LGUs) para sa epektibong implementasyon ng nasabing patakaran.

“Mahalaga ang buong pagsunod at aktibong pakikilahok ng ating mga LGU sa Incident Command System. Kung nagkakaisa at sumusunod ang bawat lungsod at bayan sa iisang sistema, mas magiging mabilis, maayos, at epektibo ang ating pagtugon sa anumang sakuna upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat Bulakenyo.” (Un;iNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News