LUNGSOD NG MALOLOS — Sa kabila ng mga tirada o mga negatibong balita na natatanggap ni Gov. Daniel Fernando sa social media hinggil sa isyu ng road rage, pinangunahan nito katuwang si Vice Gov. Alex Castro ang pamamahagi ng scholarship grant sa mga mag-aaral sa Bulacan.
Nitong nakaraang araw ay samu’t saring mga balita ang lumabas sa online kabilang ang pambububog kay Fernando ng isang opisyal ng gobyerno upang maipagtanggol ang diumano’y naging biktima sa nasabing road rage sa NLEX na isa sa mga anak umano ni PBBM.
Ayon sa gobernador, huwag ng intindihin ang mga naglalabasang balita sa socmed. Ito raw umano ay mga basher na kakambal na niya.
Wala rin makikitang bahid ng pasa sa mukha si Fernando simula ng lumabas ang isyu ng pambubugbog sa naganap na road rage.
Hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang gobernador sa mga mamamahayag sa kabila ng mga ko kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang mga bodyguards.
Sa kanyang pagdalo at pagharap sa libu-libong mag-aaral sa Bulacan na ginanap sa Capitol Gymnasium nitong Huwebes (Feb. 26), sinabi nito na matagal pa ang halalan at ang dapat nilang gawin ay patuloy na paglingkuran ang mga Bulakenyo.
Samantala, katuwang ng gobernador sa pagbibigay at pag-aabot ng tulong financial sa humigi’t kumulang 1,900 na mag-aaral na benepisyaryo ng scholarship grant si Vice Gov. Alexis Castro,
Kaakibat din ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamimigay ng tulong pang-edukasyon ang Landbank of the Philippines dahil sa ATM o automated teller machine na makukuha ng mga iskolar ang nasabing tulong sa pag-aaral. (UnliNews Online)

