Wednesday, March 4, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsHigit P112K halaga ng shabu at 14 na ‘tulak’, timbog ng Bulacan...

Higit P112K halaga ng shabu at 14 na ‘tulak’, timbog ng Bulacan PNP

CAMP ALEJO S. SANTOS, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang 14 na indibidwal na sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga noong Marso 3 at 4, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa ulat ni Major Mark Anthony L. San Pedro, Balagtas chief of police, arestado ang isang indibidwal sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Balagtas PNP dakong 1:30 ng madaling araw ng Marso 4, 2026 sa Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan.

(BPPO)

Kinilala ang suspek na si alyas Shaws, 55 anyos, residente ng Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan. Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P34,000.00.

Kasabay nito, batay sa ulat ng mga Hepe ng Pulisya ng Meycauayan, Baliwag, at SJDM CPS, Marilao, San Miguel, at Norzagaray MPS, magkahiwalay na drug-bust operations na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units na nagresulta sa pagkakaaresto ng 13 drug pushers at pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 11.53 gramo at may halagang P78,404.00, kasama ang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa kanila. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News