GUIGUNTO, Bulacan — Isang operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit ang binaril sa likod ng kanyang ulo ng hindi pa nakikilalang salarin dito sa nabanggit na bayan nung Linggo ng gabi (March 8).
Kinilala sa ang nasawi na si MSg. Jose Uring habang nadawit sa naturang pamamaril at sugatan si Jorilyn Acedera, residente ng Brooklyn Heights Subdivision, Barangay Panginay.
Base sa inisyal na imbestigasyon nilapitan ng hindi nakilalang gunman si Uring bandang alas-9:57 ng gabi matapos ang isang caucus para sa nalalapit na halalan para sa Home Owners Association ng Brooklyn Heights Subdivision at binaril ng malapitan at agad na tumakas sa pinangyarihan ng krimen.
Gayunman, ang ilan sa mga saksi ay naghagis ng upuan sa tumakas na gunman na muling nagpaputok ng baril sa mga tao na tinamaan si Acedera sa kaliwang tuhod habang ang suspek ay patuloy na tumakas patungo sa direksyon ng Block 9 ng nasabing subdibisyon.
Isinugod ang mga biktima sa Guiguinto Polymedic Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang pulis habang naka confine si Acedera at ginagamot dahil sa tinamong tama ng bala. (UnliNews Online)

