CAMP GEN. ALEJO SANTONS Bulacan — Nasakote ng mga operatiba ng City of San Jose del Monte PNP ang isang lalaki na kabilang sa Additional Most Wanted Person sa City Level na naturang lungsod matapos ang matagumpay na implementasyon ng warrant of arrest noong Linggo ng gabi (Marso 15) sa Morning Glory Street, Brgy. San Martin III, City of San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Reyson M. Bagain, Chief of Police ng CSJDM SJDm City police station, kinilala ang naarestong akusado na si alias “Tope,” 30 taong gulang at kasalukuyang residente ng Brgy. San Martin III, sa nabanggit na lungsod.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga operatiba ng Warrant Section ng San Jose Del Monte CPS bilang lead unit, kasama ang mga tauhan ng 301st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3), sa bisa ng warrant of arrest laban sa akusado para sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Hon. Lyn L. Llanasares-Gonzales, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 120, City of San Jose Del Monte, Bulacan noong Disyembre 18, 2025 sa ilalim ng Criminal Case No. 7372-M-2025 na may rekomendasyong walang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, agad siyang dinala sa kustodiya ng San Jose Del Monte City Police Station Custodial Facility para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant of arrest. (UnliNews Online)

