Tuesday, March 17, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsTulong sa pamilya ng mga OFWs na naipit sa giyera sa Gitnang...

Tulong sa pamilya ng mga OFWs na naipit sa giyera sa Gitnang Silangan, ipinamahagi

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang pamimigay ng tulong pinansiyal sa mga kaanak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa giyera sa Gitnang Silangan nitong Lunes (March 16).

Ang naturang tulong ay handog ng Pamahalaang Lungsod upang maibsan at makatulong sa pagdadalamhati at pag-iisip ng mga kamag-anak ng mga OFWs na dumaraan sa isang matinding pagsubok dahil sa pagsiklab ng digmaan at sa patuloy na pag-taas ng halaga ng gasolina.

Isa-isang inabutan ni City Mayor Natividad ng tsekeng nagkakahalaga ng tig-10 libong piso ang 36 na pamilya na may mga kaanak na stranded sa Gitnang Silangan na naiipit ngayon at nasa pagsubok dahil sa pagsiklab ng digmaan roon.

Mula nang sumiklab ang digmaan sa Middle East, agad inilarga ng nasabing alkalde ang mga epektibo, napapanahon at mahalagang programang tutugon sa pangangailangan ng mga OFWs at kanilang pamilya rito sa Pilipinas.

Kamakailan ay 14 na pamilya ang pinagkalooban ng tulong pinansyal samantalang kanina lamang ay 36 pamilya naman ang biniyayaan ng ayuda mula sa ‘local funds’ ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na malaki ang maitutulong sa bawat pamilyang apektado ng krisis sa ibayong dagat.

Ayon kay Mayor Natividad, hangad ng kanyang liderato sa kasalukuyan na iparamdam sa mga biktima ng digmaan sa Gitnang Silangan na may gobyernong kumakalinga sa kanila at hindi sila iiwanan sa gitna ng panadaigdigang krisis at banta ng panganib sa kanilang mga buhay. (UnliNews Online)

Source: Rommel D. Manahan/REKTA Balita

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News