By Manny C. Dela Cruz
LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal na nanumpa sa kanilang mga tungkulin ang bagong pamunuan ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippine Inc. — Malolos City Chapter sa harap ni Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad.
Isinagawa ang panunumpa sa tanggapan ni Mayor Natividad. Pinasalamatan naman ng mga senior citizen si Mayor Christian dahil sa walang sawa na pagsuporta sa kanila ng punong lungsod.
Pinapurihan naman ni Mayor Natividad ang mga nakatatanda ng Malolos dahil sa kanilang kahalagahan sa lipunan, sa kanilang malawak na karanasan, sakripisyo at mga kontribusyon na nagsisilbing kayamanan sa komunidad bilang pundasyon ng karunungan at kultura na siyang gabay sa kabataang henerasyon. (UnliNews Online)

