Friday, March 20, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 most wanted sa San Rafael, nasakote ng Bulacan 2nd PMFC

3 most wanted sa San Rafael, nasakote ng Bulacan 2nd PMFC

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Tatlong Most Wanted Person sa Municipal Level ng San Rafael, Bulacan ang magkakasunod na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Tracker Team ng 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company at San Rafael Municipal Police Station noong Wednesday (March 18) sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Maj. Michael M. Santos, Force Commander ng Bulacan 2nd PMFC, dakong 9:30 ng umaga nang unang madakip ang Top 3 MWP na isang 61 taong gulang na lalaking akusado. Sinundan ito ng pag-aresto sa Top 4 MWP na isang 49 taong gulang na lalaking akusado, dakong 10:40 a.m., at ang Top 5 MWP na isang 44 taong gulang na akusadong lalaki, dakong 11:20 a.m. pawang mga residente ng nasabing barangay.

Ang mga nasabing akusado ay naaresto sa bisa ng mga Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region sa Malolos City, Bulacan. Kabilang sa mga kasong kinahaharap ng mga ito ang paglabag sa Section 10(a) ng RA 7610 na may inirekomendang piyansang Php 80,000.00, Serious Illegal Detention na walang inirekomendang piyansa, at Slight Illegal Detention (RPC Art. 268) na may inirekomendang piyansang Php 120,000.00.

Matapos ang kanilang pagkakaaresto, ipinaalam sa mga akusado ang kanilang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanilang nauunawaan. Sila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 2nd PMFC para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng kani-kanilang warrant of arrest. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News