SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan — Agad namatay ang isang lalaki makaraang ratratin ng bala ng baril ng riding-in-tandem sa Carriedo St., Barangay Muzon Proper dito sa nasabing lungsod.
Base sa naging ulat, kinilala ang biktima na si Louiever E. Makiling, driver ng Sport Utility Vehicle (SUV) na may plate no. NKL- 6344 at residente ng Verde Heights Subd. Brgy. Gaya-gaya, JDM City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang 12:54 umano ng tanghali ng maganap ang pamamaril ng mga armadong lalaki na lsakay ng kulay asul na walang plaka.
Nakasuot ng kulay itim na jacket ang driver at maong na pantalon na naka tsinelas, habang ang gunman ay nakasuot ng kulay green na jacket, naka short at tsinelas.
Nabatid na patungo ng Marilao ang sasakayan ng biktima nang dikitan ng mga suspek ang kaliwang bahagi ng driver side at mabilis na pinaputukan ang biktima na ikinamatay nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng pagpatay sa naturang driver ng SUV. (UnliNews Online)
(Photo: Credit To The Owner)

