UMARANGKADA na nitong unang araw ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa sektor ng transportasyon sa Lungsod ng Malolos, ito ay bilang support sa nasabing sektor na labis ng nahihirapan dahil patuloy na pagtaas ng halaga ng gasoline at krudo dulot ng kaguluhang nangyayari sa Gitnang Silangan
Unang nakatanggap ng cash relief assistance ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), na kung saan ay labis ang pasasalamat ng TODA members dahil sa suportang ipinagkaloob sa kanilang ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian D.Natividad at ng mga kagawad ng sangguniang panglunsod, sa pangunguna naman ni Vice Bebong Gatchalian.
Bukod sa TODA, pagkakalooban din ng tulong pinansiyal ang iba pang sektor ng transportasyon sa lungsod sa mga susunod na araw. Sa nasabing cash assistance distribution, ang bawat miyembro ng TODA ay nakatanggap ng P3,000 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ni Mayor Atty. Christian Natividad .
Umabot sa 1,776 na benepisyaryo ang napagkalooban ng nasabing cash relief assistance. Kabilang sa mga tumanggap ang mga miyembro ng mga sumusunod na samahan MMSITODA, SIKBM, SPC, MAPUMA, 3H TODA, MXM, PMAA, STMC, CHSP, MASTDA, MCNS, SPCM, NSSAS, MCM, DDBAM, GMC, SUDABULI, SMHR, at MASA.
Ayon pa sa mga tricycle driver, malaking bagay para sa kanilang mga pamilya ang halagang tatlong libong piso. May pambili na umano sila ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas at grocery items. Ang iba naman ay nagamit na pambayad sa electric at water bills ang halaga na kanilang natanggap.
Ang gawaing ito ay isang hakbang ng patuloy na suporta at pag-agapay ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa sektor ng transportasyon at sa kabuhayan ng mga tsuper dahil narin sa epekto ng krisis sa langis. (UnliNews Online)

