CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Maituturing na isa sa maitatala sa kasaysayan ng Tanglawan Festival ang isinagawang “Unity Walk 2023” na dinaluhan ng nasa sampung libong San Joseño mula sa iba’t-ibang sektor sa nabanggit na lungsod.
May temang “Ang Kabataan ay Tanglaw ng Pag-asa” na ginanap sa Starmall Grounds, Brgy. Kaypian ay nilahukan ng mga San Joseño mula sa iba’t-ibang sektor, mga kawai ng ating Lokal na Pamahalaan at ilang mga estudyante sa na nagpakita ng kanilang suporta para sa ating minimithi na maging Highly Urbanized City.

Nakasama sa naturang programang si Senador Francis “Tol” Tolentino at CWS Partylist Representative Cong. Edwin Gardiola sa isa sa assembly point ng ating Unity Walk na matatagpuan sa Guzmanville na kung saan ay nakasama natin ang iba’t ibang miyembro ng HOA at KLIK.
Nariyan din ang mga presensya ng Kapitan mula sa Una at Ikalawang Distrito, mga Department Heads na pinamumunuan ng ating City Administrator Dennis M. Booth Ph.D.
Nakasama din si Lyka Gairanod at Diego Loyzaga na nagbigay ng kasiyahan sa mga dumalo.
Ang naging kaganapang ito ay magpapatunay na talagang nalalapit na ang pagiging Highly Urbanized City ng Lungsod ng San Jose del Monte. (UnliNews Online)