Nina Verna Santos at Allan Roi Casipit
ANGAT — Buo ang suporta at tiwala ng mamamayan ng Barangay Sta. Lucia sa kandidatura ni Lesslie Tigas Bautista na tumatakbo bilang Kapitan.
Maging ang kanyang buong “Team LTB Let’s Think Big Abante” ay handang maglingkod para tuluyan nang maganap na maging isang progresibong barangay — ang Sta. Lucia.
Sa katauhan ni Lesslie Tigas Bautista, abot kamay na ng Sta. Lucia ang pagbabago at pag-unlad.
Si Lesslie ay maybahay ni Angat Mayor Reynante “Jowar” Bautista. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Janz Bautista at Aeshia Lexi Bautista.
Mulat sa ating kaisipan na ang pinakamaliit na sangay ng ating pamahalaan ay ang barangay subalit ito ay bumabalikat sa napakalaking responsibilidad.
Katulad na lang ng pag-aantabay sakaling may magaganap na kaguluhan, pagreresolba sa mga usaping pambarangay upang hindi na umabot pa sa demandahan kung kinakailangan, pagpapanatili ng kalinisan, pagsasaayos ng mga imprastraktura at mga proyektong makikinabang ang mga mamamayan.
Si Lesslie T. Bautista ay handang magserbisyo at maglingkod sa abot ng kanyang kakayahan. Handang maglaan ng oras, matugunan lang ang mga hinaing at adhikain ng mga ka-barangay. Handang mamuno kasama ang kanyang Team LTB upang makamit ang minimithing progresibo.
Dahil dito buong pagmamalaking sinabi ng mga taga-Barangay Sta Lucia na
si Lesslie Tigas Bautista ang kapat-dapat para maging kanilang kapitan na magsisilbi ng buong puso sa komunidad.
“Matagal na po naming pinapangarap ang pagbabago sa aming barangay at kami’y nanabik nang maramdaman ang tunay na serbisyo at hindi perwisyo,” ito ang mariing pahayag ng isang ginang habang nakikipagpalitan ng suhestiyon.
Ang LTB team ay handang suportahan at iluklok ng mamamayan ng Sta. Lucia. Masidhi nilang kinasasabikan ang nalalapit na Abante para sa Progresibong Sta. Lucia. Nais ng lahat na kailangan nang gumising sa matagal na pagkakahimbing na pagtulog ang kanilang barangay.
At si Kapitana Lesslie ang siyang titindig para mailahad ang tunay na pagbabago ng Sta. Lucia katuwang ang kanyang magiging mga Kagawad na sina Amang Pascual, Pogie Leonardo, Narcing Cruz, Payat del Rosario, Rolan Marcelo, Rene Angeles at Negro Sacdalan.,” ani ng isang mother leader.

Kasama rin sa “Team LTB Let’s Think Big Abante” ang mga kabataang mamumuno sa katauhan ni Kat Pascual bilang SK Chairman at mga Kagawad na sina Paulo de Leon, Gelo Leonardo, Panoy Arma, Aya Cruz, Jem Jem Villaganes, Jasper Duazo at Pangs Pangilinan.
Sa nakalap na mga impormasyon ng inyong lingkod patungkol kay Lesslie Tigas Bautista, nais nito na maging isang “transparent” ang kanyang pamamahala kung sakaling palarin na manalo sa nalalapit na eleksyon.
Handang pakinggan ni Kap. Lesslie ang mga hinaing ng kaniyang mga kabarangay, upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa at hindi puro takot sa namumuno ang mangingibabaw sa mga mamamayan.
Si Kap. Lesslie Bautista ay hinangaan ng kaniyang mga kabarangay dahil sa kababaang loob nito at pagiging matulungin sa kapwa gaya nang pagdalaw nito at pag-aabot ng simpleng regalo sa mga nanay o ina noong Mother’s Day.
Maging ang mga naapektuhan ng Bagyong Egay ay binisita at binigyang ng mga relief goods o pangunahing pangangailangan ng Team LTB. Ang buong partido ng Team LTB ay laging handang umagapay kahit sa munting paraan.
Sinabi ng tumatakbong kapitan na kung sya ay papalarin na maluklok bilang kapitan, isa sa kanyang minimithi ay magkaroon ng bagong bahay pamahalaan ang Barangay Sta. Lucia.
“Lahat tayo ay nangangarap ng pagbabago at ito na ang simula. Let’s Think Big. Let us Vote Team LTB para sa Progresibong Sta. Lucia,” pagtatapos ni Kap. Lesslie Tigas Bautista. (UnliNews Online)