KAWAWA naman ang beauty queen na si Catherine Camillon mula sa Tuy, Batangas at lumalabas sa ulat ng pulisya na pulis ang “person of interest” at may nakakita umano na buhat buhat ng tatlong kalalakihan ang duguang katawan ng beauty queen.
ABA!!! Maraming krimen ngayon na pulis ang involve. Bakit nga ba?
Pumunta ako sa pailaw ng Taal, Batangas para madama na ng mga tao ang padating na Pasko… Masaya, maraming tao mula sa ibat ibang bayan ng Batangas ang sumaksi.
Magaling talaga itong si Taal, Mayor Pong Mercado. Ipinadadama niya sa mga tao ang espiritu ng Paskong darating. Mabuhay ka, Mayor Mercado.
Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sana’y pakinggan na ang himutok ng mga residenteng nakatira sa paligid ng mga planta dito sa bayan ng Calaca.
Diumano hindi naalis ang mabahong amoy na matagal nang isinulat ng sa artikulong ALA BIRA. Ang problemang ito ng mga taga-Calaca.
Para kahit sa pamamagitan ng media ay makarating sa kinauukulan ang nasabing problema ng mga residente.
Pinuntahan ng ALA BIRA ang CENRO NG Calaca at ipinarating ng inyong lingkod ang hinaing ng mga residente. Humihingi sila ng formal complaint bago nila ito aksyonan.
Tapos na ang Barangay and SK Election pero ang damdamin at emotion ng nga tao at hindi pa. Sa nakaraang election gamit na gamit ang GCash… Hahaha, kinukuha diumano ng mga kandidato ang gcash number ng mga botante at doon pinadadala ang bayad sa biniling boto.
Talagang iba na ang panahon. Hehehe… pagkatapos ng election personalan na ang galit sa isat isa. Magkakamaganak, taniman ng sama ng loob. Dito sa Batangas mas marami diumano ang nanalong incumbent candidate ayon sa reliable source.
Ibig ba sabihin ganun din ang mangyayari sa darating na local elections..yun kasing mga aspiring candidates sa mataas na position ng gobyerno dito sa batangas talo diumano ang.mga bata o manok nilang kandidato na silang magiging leader nila sa darating na local elections. SABAGAY MATAGAL PA NAMAN. MARAMI PANG POSIBLENG MANGYARI. (UnliNews Online)