Wednesday, August 6, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBanggaan ng motorsiklo sa Sta. Maria; batang babae patay, mga magulang sugatan

Banggaan ng motorsiklo sa Sta. Maria; batang babae patay, mga magulang sugatan

STA. MARIA, Bulacan — Wala nang buhay ng damputin ang isang tatlong gulang na batang babae habang sugatan ang kanyang mga magulang sa nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Sta. Clara, sa nabanggit na bayan Linggo ng madaling araw. (March 10).

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Margaux Alyson Verana, habang ang kanyang mga magulang na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan na sina Ronrick Verana at ang kanyang live-in partner na si Lalaine Llabore.

Base sa inisyal na imbestigasyon, aksidenteng nabangga ng isang berdeng Euro Viperman 150 na motorsiklo na minamaneho ni Ephraim Mungcal ang motorsiklo ng mga biktima na isang Honda Click 125 na may plakang 328CPW, dakong 12:17 ng madaling araw.

Nangyari ang aksidente sa Crossing malapit sa Waltermart sa Barangay Santa Clara, Santa Maria Bulacan.

Isinugod sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa nasabing bayan ang mag-anak ngunit kalaunan ay binawian ng buhay ang bata.

Ang driver ng nakabanggang motorsiklo ay pansamantalang nasa kustodiya ng Sta. Maria MPS at nahaharap sa mga kaso ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to properties. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News