CAMP OLIVAS, Pampanga — Tinatayang aabot sa P20,400.000 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga anti-illegal drug operatives kung saan nasakote ang may bitbit ng droga sa Brgy. Tungkong, Mangga, City of San Jose del Monte noong Martes (Jan. 7).
Base sa naging ulat kay Brig. Gen Redrico Maranan, Central Luzon police director, kinilala ang suspek sa alyas Marvin, residente ng Zone 1, Capili Compound, Brgy. Grace Ville, San Jose del Monte City.
Ang anti-illegal drugs operation ay isinagawa ng mga operatiba ng SOU 3, PNP DEG bilang lead unit kasama ng San Jose del Monte City Police Station, Bulacan Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency, Bulacan at Provincial Intelligence Team – Bulacan East, Regional Unit ng Intelligence 3 bandang 4:55 ng umaga sa nasabing barangay.
Nakumpiska sa naturang suspek ang droga na may timbang na 3000 gramo ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride (shabu) at may tinatayang Standard Drug Price na nagkakahalaga ng P20,400,000; may markang pera; tatlong plastic bag ng hinihinalang shabu; isang blue-gray na bagpack at isang cellular phone.
Ang naarestong suspek ay inilagay sa kustodiya ng San Jose del Monte, CPS habang ang mga nakumpiskang piraso ng non-drug evidence ay inilagay sa kustodiya ng SOU 3, PNP DEG para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Samantala, ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay itinurn-over sa Bulacan Provincial Crime Laboratory para sa forensic/laboratory examination. (UnliNews Online)