BALAGTAS, Bulacan — Naaresto ng mga anti-illegal drug operatives sa bayan ng Balagtas, Sta. Maria at Bocaue ang limang drug traders at nasamsam ang halagang P528,836.00 ng hinihinalang shabu at marijuana sa magkakahiwalay na police operations noong Biyernes (Feb. 21).
Base sa ulat na isinumite kay Col. Satur Ediong, Bulacan provincial director, tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at 1 knot-tied transparent plastic ice bag na naglalaman ng shabu, na may pinagsamang timbang na humigit-kumulang 74 gramo at tinatayang halaga na P503,200.00, kasama ang buy-bust money, ang nasabat sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Station Drug Enforcement Police Station ng Balagtas Police Station.
Naganap ang operasyon sa Barangay Longos, Balagtas bandang alas-4:15 ng umaga ng Biyernes na humantong sa pagkakaaresto kay alyas Benny, isang tricycle driver, at alyas Edong, isang karpintero, kapwa residente ng naturang barangay.
Sa kabilang banda, magkahiwalay na buy-bust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria at Bocaue Police Station at nasakote ang 3 mga tulak ng iligal na droga at nakumpiska ang kabuuang 10 heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu at 2 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price (SDP) na P25,636 at buy-bust money.
Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga naarestong suspek habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri habang inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 na isasampa sa mga suspek.
Binigyang-diin ni Ediong ang mahalagang papel ng walang humpay na operasyon sa paglaban sa iligal na droga ng Bulacan police. Ipinahayag niya na sa pamamagitan ng patuloy na pagsisikap at proactive na mga estratehiya, ang layunin ay magtatag ng isang mas ligtas, walang droga na Bulacan habang nag-aambag sa pangkalahatang kapayapaan at seguridad ng Central Luzon. (UnliNews Online)