Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSen. Pacquiao, iginiit ang paggamit ng nuclear power bilang alternatibong source ng...

Sen. Pacquiao, iginiit ang paggamit ng nuclear power bilang alternatibong source ng enerhiya

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Iminungkahi ni re-electionist Senator Manny Pacquiao ang paggamit ng nuclear power energy bilang alternatibong pagkukunan ng enerhiya upang maging tugon sa mataas na bayarin sa kuryente na matagal ng problema ng mga Pilipino.

Sa press conference na isinagawa ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates nitong Biyernes (Feb. 28) sa Hotel Savano Park, City of San Jose del Monte bago ang campaign rally sa City College of SJDM, inihayag ni Pacqiao niyang malaki umano ang nawawala sa bansa bunsod ng kakulangan sa supply ng kuryente at nakikita niyang nuclear power plant umano ang solusyon dito.

PINAPALIWANAG ni re-electionist Senator Manny Pacquiao ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa ginanap na press briefing sa Hotel Savano Park, City of San Jose del Monte nitong Friday (Feb. 28, 2028) ang kahalagahan ng paggamit ng nuclear power energy bilang alternatibong pagkukunan ng enerhiya. Katabi ni Sen. Pacquiao si Sen. Francis Tolentino. (Kuha ni Manny D. Balbin)

“So para sa akin, dapat mayroon tayong talagang sarili nating nuclear power plant, like yung sa Bataan. Kasi kung ganito nang ganito tayo, mabagal. ang pagiging development ng ating bansa kapag wala tayong ganoong sistema,” anang Pambansang Kamao.

“Gusto ko nang murang kuryente para sa ating mga kababayan dahil isa ang ating bansa ang may pinakamahal na kuryente at para bumaba ang singil dito, prino-propose ko yung nuclear power energy kasi dito ay divided four ang presyo ng kuryente kung ano ang binabayaran natin sa ngayon,” ani Pacquiao.

Dagdag pa nito, “although marami ang hindi sasang-ayon diyan, pero para ito sa development ng ating bansa at hindi ito para sa development ng isang company kundi development sa lahat ng mga Pilipino.”

“Kaya kahit na may-EVAT ang kuryente, hindi magrereklamo ang mga tao dahil sa mura ang magiging kuryente nila,” ani ng senador,

Si Pacquiao ay isa sa 12 senatorial aspirants na ineendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa 2025 midterm elections. Kasama sa bubuo ng senatorial bets ng Alyansa sa Bagong Pilipinas sina DILG Secretary Benhur Abalos, Sen. Pia Cayetano, Sen. Lito Lapid, Sen. Francis Tolentino, Sen. Bong Revilla, Sen. Imee Marcos, former Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, former Senator Vicente Sotto, Congressman Erwin Tulfo, Congresswoman Camille Villar at Makati Mayor Abby Binay.

“No. 15 sa balota, dito sa Alyansa, sisiguraduhin namin na ang bawat Pilipino ay walang maiiwan at kasama sa pag-asenso,” pagtatapos ni Sen. Pacquiao. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News