Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeNational News‘Dream builders’ makakatulong sa pagkamit ng tagumpay’ -- Cayetano

‘Dream builders’ makakatulong sa pagkamit ng tagumpay’ — Cayetano

MANILA — Matapos talakayin ang ‘dream killers’ na humahadlang sa tagumpay, ibinaling naman ni Senator Alan Peter Cayetano sa “dream builders” ang talakayan sa pinakabagong episode ng ‘CIA 365 with Kuya Alan.’

Sa kanyang Facebook live session nitong Linggo (March 2), ipinaliwanag ni Cayetano na ito ay ang mga indibidwal o komunidad na makakatulong upang maging realidad ang mga pangarap.

“Ano naman ang dream builders? Ano naman yung seeds of success sa ating pangarap, sa ating panaginip, sa ating Filipino dream?” wika niya.

Ibinahagi ni Cayetano ang tatlong pangunahing elemento ng isang ‘dream builder:’ vision, community, at preparation.

Binigyang diin niya na ang malinaw na layunin at matibay na motibasyon ay mahalaga upang makamit ang tagumpay.

“The first thing na gusto ko i-share tonight is vision and purpose as dream builders,” wika niya.

Ginamit niya bilang halimbawa si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, na bago pa man magtagumpay ay naisip na niyang makakamit niya ito.

“Before she became an Olympic gold medalist, nakita na niya yung sarili niya… nakita na niya yung flag, nakita na niya yung medalya sa kanyang dibdib,” wika niya.

Binanggit din ni Cayetano ang papel ng komunidad sa pagpapanatili ng motibasyon ng isang tao.

Ikinumpara niya ang lakas ng isang komunidad sa sama-samang pagtutulungan at kung paano mas madaling manatili sa pangarap kung may mga taong may parehong pananaw at adhikain.

“Dream builders are a community. When I say community, ano po sabi ng Diyos? ‘If there are two or more gathered in His name, nandiyan Siya in their midst,’” wika niya.

Binigyang diin din ng senador ang kahalagahan ng paghahanda, na ayon sa kanya ay isang mahalagang hakbang upang maisakatuparan ang mga pangarap.

“Vision, community, preparation—these are what build dreams,” wika niya.

Ang ‘CIA 365 with Kuya Alan’ ay ang arawang kumustahan ni Cayetano sa publiko kung saan tinatalakay ang iba’t ibang paksa sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News