Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTIinom ka pa ba ng tubig mula sa gripo?

Iinom ka pa ba ng tubig mula sa gripo?

MULA nang mauso ang mga water station ay wala na yatang consumer ng mga water district ang umiinom ng tubig na tumutulo sa gripo ng mga kabahayan. Ang tubig sa water district ang ginawa kong paksa dahil isa ako sa libu-libong consumers ng water district sa aming bayan sa Plaridel, Bulacan. Ang mga water district ay nasa ilalim ng pamamahala ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Natatandaan ko pa noong ako ay magpalinya ng tubig sa Plaridel Water District, humigit kumulang dalawang dekada na ang nakakaraan. Palibhasa ay kakaunti pa ang mga consumer ng water district noon at sa aming barangay itinayo ang water pumping station ng Plaridel Water District kaya napakalakas ng pressure tubig. Sabi nga ng masiste kong kapitbahay. Huwag daw itatapat ang palayok sa gripo at baka mabutas dahil sa lakas ng presyon ng tubig. Noon yun.

Noon kasi wala pang water station sa amin kaya sa mismong gripo kami kumukuha ng inuming tubig dahil sa pag-aakala na ang barangay Sipat lang nakikinabang sa water pumping station. Dahil chlorinated naman ang tubig ng water district at amoy naman talaga ang chlorine sa tubig, naniniwala kami na walang bacteria ang tubig na aming iniinom.

Pero nang may nagtayo na ng nga water station sa aming barangay unti-unti na itong tinangkilik ng mga taong barangay. Hindi na rin namin iniinom ang tubig mula sa gripo kaya bukod sa gastos sa konsumo sa water district karagdagang gastos din ang pagbili ng purified water

Kaya ang aking tanong ay kung potable water pa ba ang tubig na isinisilbi ng mga waterd district sa kanilang mga parokyano? Kapag sinabi kasi potable water, ito ay ligtas inumin. Pero kung ang tubig ay tap water lang, ang ibig sabihin nito ay pampaligo, panlaba, pandilig ng halaman at panghugas lang ng mga kasangkapan ang tubig na galing ng gripo.

Ito ang aking tanong. Ligtas pa kayang inumin ngayon ang tubig na galing sa aming gripo?

Iba naman ang problema ng mga mamamayang siniserbisyuhan ng mga water concessionair. Ang napakahinang presyon ng tubig ang palaging idinadaing ng mga consumer. Sila naman ay regular na nagbabayad ng buwanang water bills pero hindi sila maserbisyohan ng mahusay ng mga pribadong kumpanya ng tubig. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News