PANDI, Bulacan — Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Pandi na mapalakas ang pundasyon ng bawat pamilya, matagumpay na naisagawa ang Binyagang Bayan at Kasalang Bayan, bilang pagdiriwang ng pag-ibig at pananampalataya.
Ayon kay Mayor Enrico Roque, ito ay isang programang naglalayong ipagkaloob ang sakramento ng binyag sa ating mga munting Pandieño at pagtibayin ang pagsasama ng mga magkasintahang handa nang harapin ang bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

Ang Binyagang Bayan at Kasalang Bayan ay hindi lang basta isang programa—ito ay isang patunay na sa Pandi, ang pamilya at pananampalataya ay palaging nasa sentro ng ating paglilingkod.
“Muli, pagbati sa ating bagong kasal at sa mga bagong binyagan! Nawa’y pagpalain kayo ng Diyos sa inyong bagong simula,” ani Mayor Roque. (UnliNews Online)