LUNGSOD NG MALOLOS — Nakatakdang makinabang ang mga Pulis Bulacan at ang kanilang mga pamilya sa paglulunsad ng programang KADIWA ng Pangulo na ginanap sa loob ng Camp Alejo Santos sa naturang lungsod noong Huwebes (March 27).
Ayon kay P/Major Jaynalyn A. Udal, Information chief of Bulacan Police Provincial Office, nasabing programa ay pinangunahan nina Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., Regional Executive Director ng Department of Agriculture at Ma. Gloria San Felipe Carrillo, Provincial Agriculturist ng lalawigan ng Bulacan at P/Col. Satur Ediong, Bulacan Provincial Director.
Ang KADIWA Ng Pangulo, na naglalayong magbigay ng abot-kaya at de-kalidad na produktong pang-agrikultura sa mga tauhan ng PNP sa loob ng mismong kampo sa Bulacan.
“Malaking bagay ito sa pamilya ng ating mga kapulisan dahil makakabili sila ng mura at abot-kayang halagang mga pangunahing pangangailangan,” ani Udal.
Ang programang Kadiwa ng Pangulo ay naglalayong maghatid ng murang mga bilihin sa mga bulakenyo, gayundin ay mabigyan ang mga maliliit na mangangalakal, magsasaka, at mangingisda ng lugar na paglalagakan ng kanilang mga produkto na walang binabayarang upa at masiguro ang pagkakaroon nila ng karagdagang kita. (UnliNews Online)