NAGMAMADALI, ayaw magbigayan at mahilig sumingit sa pagitan ng mga malalaking behikulo, iyan ay ilan lamang sa mga sanhi ng aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmo-motor ng single o bumibiyahe na gamit ay tricycle.
Nitong nakaraang ilang araw ay nakita natin sa Social Media na inararo ng isang truck ang isang Motorsiklo, kung hindi ako nagkakamali ay naganap ang insidente sa Lungsod ng Valenzuela. Gayundin ang dalawang motorsiklong nagbanggaan at suntukan na tila mga tunay na boksingero sa lansangan sa pagitan ng isang naka-motor at siklista.
Aksidente sa gabi na hindi nakikita ng naka-four wheels na sasakyan o ng malaking truck, ang mabilis na arangkada ng isang naka-motor na walang reflective shirt, vest o high-visibility shirt, ay kadalasang nasusuro na nauuwi sa malubhang aksidente.
Tsk! Tsk! Tsk! Sa totoo lang, madalas ang inyong Katropa na makaing-kwentro ng mga tinaguriang “Kamote riders’ sa lansangan, pero pinaiiral pa rin natin ang pasensiya at desiplina sa kalye habang nagmamaneho.
Narito ang ating payo para sa mga Driver ng Motorsiklo, para maiwasan ang mga Aksidente. Upang mabawasan ang panganib ng mga aksidente habang nakasakay sa motorsiklo, dapat unahin ng mga driver ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng naaangkop na gamit sa proteksyon, kabilang ang mga helmet, guwantes, at jacket; pagpapanatili ng isang ligtas na distansya mula sa iba pang mga sasakyan; manatiling nakikita sa pamamagitan ng paggamit ng mga headlight at reflective na damit; pagsunod sa mga batas trapiko at mga limitasyon ng bilis; at patuloy na pag-scan sa kalsada para sa mga potensyal na panganib.
Ang mga sakay o may hawak ng manibela ay dapat magsanay ng mga pamamaraan sa sinasabing defensive driving, na makatutulong na maiwasan ang anumang banta ng panganib, tulad ng ibang mga gumagamit ng kalsada at pagiging handa na tumugon nang naaayon.
Upang mapangalagaan ang ibang mga commuter, dapat na malinaw na ipahiwatig ng mga nagmomotorsiklo ang kanilang mga intensyon, igalang ang mga hangganan ng lane, at iwasan ang paghabi sa pagitan ng mga sasakyan.
Ang pagsali sa regular na pagsasanay at mga programa ng kamalayan, ay maaari ding mapahusay ang mga kasanayan sa pagsakay, at magsulong ng mas ligtas na pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga gumagamit ng kalsada.
Laging tandaan na kapag namamaneho ay iwasan ang init ng ulo. Laging maging kalmado at mag-pasensiya. Iwasang taguriang Kamote ng kalsada! Hangang sa muli. (UnliNews Online)