NAGING mabunga ang isinagawang 4th Summit ng Bulacan Police Provincial Office at Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development, na may temang “Empowering Officers, protecting communities through organizational strategy and personal Governance.” Idinaos ang espesyal na pagpupulong sa Baliwag Gymnasium and Sports Center, DRT hightway, Brgy Pagala, Baliwag City, Bulacan, nitong ika- 24 ng Abril 2025.
Sa naturang okasyon ay nagpadala ng mensahe ang re-electionist na si Gov. Daniel Fernando na binasa naman ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Nikki Manuel S. Coronel, narito po ang ilan sa ating naunawaan na iniulat:
“To our partners from Provincial advisory group for transformation and development, to our fellow stakeholders and public servants, isang maalab at makabuluhang pagbati po sa ating lahat. Leadership is not about power it is about service. Ang tema ng summit na ito, empowering officers protecting communities, ay hindi lamang panawagan tungo sa tungkulin kundi panawagan din sa puso. Isang paalala na ang kapulisan ay hindi lamang tagapagtanggol kundi katuwang ng bawat mamamayan, sa paghubog ng matiwasay na komunidad.

Ang pagtitipong ito ay higit pa sa isa lamang aktibidad na pagtitipon, sapagkat ito ay isang pahayag, na sa lalawigan ng Bulacan pinanghahawakan natin ang diwa ng pagtutulungan, na ang tunay na pagunlad ay hindi nagmumula sa sariling interes, kundi sa sama-samang pagkilos at pagkakaisa. Kaya naman kapuri-puri ang inyong dedikasyon sa layunin ng PNP Patrol plan 2030, na siyang patunay ng ating nagkakaisang paninindigan sa makabuluhang pagbabago.
Sa atin pong iginagalang na miyembro ng Kapulisan, ang inyong trabaho ay hindi madali, sa bawat araw na kayo ay nagsusuot ng uniporme kayo ay nagiging simbolo ng pag-asa, kaya nararapat lamang na kayo rin ay may sapat na pagpapahalaga, suporta at pagtitiwala.
To the members for Advisory Council thank you, for being the bridge between the police force and the people, your insight, integrity and dedication make our institution more granted and responsive.
Bilang inyong Gobernador muli kong pinagtitibay ang ating panata na panatilihin ang Bulacan, bilang isang lalawigang ligtas makatarungan at matapat. Mabuhay po ang Philippine National Police, ang dakilang Lalawigan ng Bulacan at ang ating Advisory Council. Maraming Salamat po.”
Ang ilan ay nagbigay din ng mensahe, sina P/Col Fitz Macariola, P/BGen. Noel Baraceros (Retired), ang Bulacan Police Director na si P/Col Franklin Estoro, P/BGen. Jose DJ Manalad Jr., at iba pang opisyal ng PNP at Advisory Group. Dumalo din sina P/Lt. Col. Rey Apolonio, COP ng Pandi PNP Station, kasama sina Patrolman Jay March Rivera, MAC Diosa De Luna at Katropang Vic.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang konsepto ng Empowering Officers, ay pagprotekta sa komunidad sa pamamagitan ng organisasyonal at personal na pamamahala, na tumutukoy sa isang komprehensibong sistema na pahusayin ang pagiging epektibo nito sa pagpapatupad ng batas, habang tinitiyak ang kaligtasan ng komunidad.
Nagtataguyod ng isang collaborative na kapaligiran kung saan ang mga opisyal ay hindi lamang mga tagapagpatupad ng batas kundi aktibong kalahok sa pagpapaunlad ng komunidad, na siyang nagpapababa ng mga rate ng krimen sa pamamagitan ng mga proactive na hakbang sa halip na mga reaktibong tugon. Hanggang sa muli. (UnliNews Online).