Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLume-LEVEL UP ang sigla ng Pandi! Grand motorcade, dinumog ng mga Pandieño

Lume-LEVEL UP ang sigla ng Pandi! Grand motorcade, dinumog ng mga Pandieño

PANDI, Bulacan — Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga Pandieño ng magsagawa ng grand motorcade ang Team National Unity Party (NUP) kasama ang buong Team Puso at Talino noong Miyerkules (April 30).

Sa pangunguna nina Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro kasama sina Pandi Mayor Rico Roque at Vice Mayor Lui Sebastian, nilibot ng nangungunang partido ang ilang barangay sa Pandi.

Sa bawat ngiti, sigaw, pagwagayway ng placard, at sandaling kayo’y naghintay, ramdam na ramdam po namin ang inyong mainit na suporta at taos-pusong pagmamahal. Tunay na nakakataba po ng puso ang inyong pagtanggap.

Ayon kay Mayor Roque, “Maraming maraming salamat po mga ka-Pandieno sa napakainit nyong pagtanggap kanina. Sa lahat ng sumuporta, nag-abang, at nakiisa sa motorcade natin bagamat ginabi ay nag-antay pa din po kayo! Ramdam namin ang init ng inyong pagtanggap at saya ng bawat barangay na nadaanan”.

Dagdag pa ng alkalde, “Sa bawat araw na lumilipas at habang paparating ang petsa ng halalan mas lalong nag iinit ang pagmamahal at suporta nyo sa aming TPT”.

“Umasa po kayo na sa aming pangtatlong termino ay hindi doble kundi triple o mas higit pa na paglilingkod at programang makabuluhan at mapapakinabangan ng lahat ang aming ibabalik sa bawat isang Pandieño,” saad pa ni Roque.

Kasama sa Team Puso at Talino 2025 ang mga Konsehal ng bayan ng Pandi na sina Kons. Jonjon Roxas, Kons. Monette Jimenez, Kons. Danny Del Rosario, Kons. Potpot Santos, Kons. Vic Concepcion at Kons. Nonie Sta. Ana at sasamahan ng dalawang bagong mukha ngunit mga dati nang naninilbihan sa mga Pandieño ang kukumpleto na sina Kons. Sec. Arman Concepcion at Kons. Dok Noel Esteban.

Isama rin at muling ihalal sa kanyang ikalawang termino ng panunungkulan bilang Sanggunian Panlalawigan member si Bokal Ricky Roque, ang masipag at maaasahan ng mga taga-Singko Distrito.

Humihingi naman ng paumanhin si Mayor Roque sa mga barangay na hindi na napuntahan ng nasabing motorcade dahil sa kakulangan ng oras. Pero nangako ang alkalde na nagbilin Governor Fernando na pipilitin nya na magkaroon ng Day 2 para maikutan ang lahat ng barangay sa bayan ng Pandi.

Tuloy-tuloy lang ang ating pagkakaisa at suporta para sa isang mas maunlad na sambayanan.

Sinigurado rin ni Mayor Roque na ang eleksyon sa Mayo 2025 ay simula ng mas matibay at mas progresibong bukas para sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Pandi. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News