CALUMPIT, Bulacan — Mahigit sa 1,200 mag-aaral mula sa San Marcos Elementary School sa nasabing bayan ang nagbalik eskwela ngayong araw ng Lunes (June 16) para sa panuruan 2025-2026.
Ayon kay Noemi R. Caparas, Punong Guro ng nasabing paaralan, sa pangkalahatan ay naging maayos naman ang pagbubukas ng klase dahil sa pagtutulungan ng mga guro, magulang at opisyales ng barangay.
Inaasahan na may mga late enrollees pa at marami pang madaragdag sa school year na ito. Bukas din sila sa mga huminto ng pag-aaral at magbabalik eskwela.
Source: PIA Bulacan