Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 ‘tulak’ ng iligal na droga at 1 wanted, nasakote sa Bulacan

3 ‘tulak’ ng iligal na droga at 1 wanted, nasakote sa Bulacan

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Patuloy ang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 tulak ng iligal na droga at isang wanted sa batas noong Linggo (June 15).

Ayon sa ulat kay P/Col. Franklin P. Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, tinatayang nasa P114,920.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa mga operasyon.

(Bul PPO)

Base sa ulat, matagumpay na nagsagawa ng magkahiwalay na buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Bocaue at Obando MPS, kung saan naaresto ang tatlong suspek. Nakumpiska mula sa kanila ang siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang halagang P114,920.00, kasama na ang marked money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa nararapat na pagsusuri.
Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek.

Samantala, sa isinagawang manhunt operation ng tracker team ng Pandi Municipal Police Station, naaresto ang isang wanted na indibidwal na kinilala sa alias “Mona” siya ay naaresto bisa ng warrant of arrest para sa kasong Dangerous Drugs (R.A. 9165 Art. ll Sec. 5 PARA 1) in Relation to Sec. 26, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – Possession of Dangerous Drugs na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 76, Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Binigyang-diin ni Col. Estoro, na sa ilalim ng kanyang pamumuno, hindi magpapahuli ang Bulacan PPO sa laban kontra kriminalidad.

Aniya, “Patuloy ang aming determinasyon na tugisin ang mga lumalabag sa batas upang matiyak ang katahimikan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News