LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Natimbog ng mga operatiba ng joint operation ng PDEA at Malolos PNP Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang magjowa umano sa isinagawang drug bust Sa Barangay Guinhawa ng nasabing lungsod noong Miyerkules ng madaling araw (June 18).
Base sa ulat na isinumite kay ni P/Col. Franklin P. Estoro, P/Col. Franklin P. Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO, knilala ang mga suspek na sina alyas ‘Daboy,” at alyas “Alma,” pawang nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report ni P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police, narekober mula sa dalawang suspek ang 5 plastic sachets na may hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 2 gramo na nagkakahalaga ng P13,600.00 kasama ang P500.00 na ginamit sa operasyon o “marked money”
“Ang matagumpay ng nasabing operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan ng Malolos laban sa iligal na droga. Patuloy tayong magtulungan upang masugpo ang salot na ito sa ating lipunan,” ani Lt. Col. Geneblazo.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5, 11 and 26, Art. II ng R.A 9165. (UnliNews Online)